MusicUP ang Galing mo ( The UP Centennial Song)Jan 9, '08 2:45 AM
for everyone
UP Ang Galing Mo!

Narito kami nagpupugay
Sa Unibersidad ng aming buhay
Ikaw pa rin ang binabalikan
Di pa rin malilimutan
Ikaw ang UP naming mahal

Salamat sa iyong mga guro
Salamat sa inyong pagtuturo
Taglay niyo ang kahusayan
Taglay niyo ang karunungan
Hinubog niyo kami sa kabutihan

Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Kaya’t kami’y sumasaludo
UP ang galing mo
UP ang galing mo

Wala nang iba pang maihahambing
Sa talino mo’t angking galing
Daanin man sa syensya
High-tech man o kahit ano pa
Ikaw UP ang nangunguna

Sa inyong mga dugo ang kasaysayan
Dumaloy sa pag-unlad ng ating bayan
Sagisag ka ng kagitingan
Bandila ka ng kalayaan
Pag-asa ka ng mamamayan

Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo
UP ang galing mo

Sandaang taon na tayo
Dangal ka ng Pilipino
Sentro ka ng pagbabago
UP ang galing mo
Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo
UP ang galing mo
UP Ang Galing Mo  Unknown Artist 

Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help